Napansin at naramdaman daw ng mga DagupeΓ±o ang pagbaba sa bilang ng mga taong gumagamit ng paputok sa kanilang pagsalubong sa bagong taong 2024.
Ayon sa mga ito, tahimik daw ang naging selebrasyon nito ngayon kumpara noong mga nakalipas na taon dahilan sa dami na ginagamit na pampaingay.
Maski mga bata raw sa mga lokalidad ay hindi na gumamit ng mga paputok na dati ay higit na tinatangkilik.
Bagamat tahimik, ikinatuwa ito ng ilang mga DagupeΓ±o dahil naging ligtas para sa kanila ang nasabing pagdiriwang.
Bukod naman sa torotot, gumamit din ang ilan ng ibang uri ng pampaingay tulad ng mga kaldero at kaserola, mas ligtas kumpara sa paputok.
Samantala, naniniwala ang ilan na ito ay bunsod ng mas pinag-igting na mga kampanyang naglalayong umiwas sa paputok upang mailayo ang sarili sa anumang kapahamakan. |πππ’π£ππ¬π¨