𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗜𝗘𝗦

Naitala ang ika-10 biktima ng Firework-Related injuries sa Dagupan City.

Ang biktima ay isang katorse anyos (14-anyos) na binatilyo residente ng Barangay Caranglaan.

Five Star ang ginamit na paputok ng biktima.

Agad naman itong nabigyan ng paunang lunas sa Region 1 Medical Center Treatment Area.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Assistant Regional Director Antonio M. Albornoz ang binatilyo na huwag nang tangkain pang gumamit ng paputok para iwas disgrasya gaya ng kanyang sinapit na natamaan ang kanyang kamay at nagresulta sa pagkamaga nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments