𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinaigting pa lalo ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang kanilang pagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan at kabataan sa kanilang nasasakupan.

Sa aktibidad na isinagawa ng LGU Alaminos para mga Barangay Committee on Women, PNP desk officer, School Guidance Counselors at VAWC Desk Officers, binigyan diin ang layunin na mahubog at mapalakas pa ang kapasidad ng mga ito para makapagbigay ng tulong, proteksyon, at kung paano mamahala ng ibat ibang klase ng kaso ng Violence against Women and Children o VAWC sa kanilang siyudad.

Patuloy ang suporta ng LGU katuwang ang City Social Welfare and Development sa karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng pagpapalakas pa sa mga sangay na humahawak sa kapakanan ng mga ito.

Samantala, suportado rin ang aktibidad na naisagawa ng mga opisyal at iba pang tanggapan na may kinalaman a pagpapalakas pa ng serbisyong publiko para sa mga kababaihan at kabataan sa naturang syudad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments