𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗥𝟭

Inilunsad ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region katuwang ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) OB-Gynecology Department ang social mobilization campaign at ang mass screening ng cervical cancer sa lalawigan ng La Union.

Binigyang diin ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang kahalagahan ng maagang deteksyon ng naturang sakit upang agarang maagapan din ito.

Dagdag pa niya na nagagamot ang sakit dahil may mga nakahandang bakuna laban dito.

Samantala, nabenipisyuhan ang nasa higit isang daan at limampu’t kababaihan sa probinsya sa pamamagitan ng Human papillomavirus (HPV) vaccine at screening. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments