Ipinanawagan ngayon ng health authorities sa publiko na sa kabila ng nararanasang panahon ng tagtuyot maging ng El Niño phenomenon ngayong taon ay mahalaga na magkaroon ng sapat na suplay ng tubig sa kanilang mga tahanan.
Sa naging pagbisita ni Health-Universal Health Care (UHC) service cluster ng North at Central Luzon Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa DOH-Center for Health Development-Ilocos Regional Office sa San Fernando City, La Union nitong Lunes na kailangang may sapat na suplay ng tubig lalong lalo na aniya sa mga hospital at sa mga tahanan.
Ipinanawagan ito ng opisyal dahil upang maiwasan ang pagiging dehydrated ng mga tao.
Samantala, Matatandaan na inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang El Niño phenomenon hanggang buwan ng Mayo ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨