𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗗𝗞𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢

Patay ang isang bente tres anyos na binata matapos itong makaladkad ng mismong truck na minamaneho nito sa Alaminos City.

Ang biktima ay nakilalang si Christian Estrada residente ng Barangay Bued sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, at kwento ng mga katrabaho nito naganap ang aksidente pasado alas kwatro ng hapon sa bahaging pababa ng Barangay Cabatuan nang bumaba ng minamanehong truck ang biktima habang nakaandar ang truck.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang gumulong ang truck pababa na dahilan upang habulin ito ng biktima at pinipilit na abutin ang driver’s seat subalit nadulas ito at pumailalim sa truck at nakaladkad pa ito ng umaabot sa pitong metro.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments