Mas tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagtataguyod sa pangkalahatang pangkalusugan ng mga Pangasinenses sa pamamagitan ng mas pagpapabuti ng serbisyo maging pagkakaroon ng mga kinakailangang kagamitan.
Alinsunod dito, nakahanda na ang nabiling mga bagong hospital equipment tulad na lamang ng X-Ray, Ultrasound, CT scan at iba pa na hatid sa labing-apat na Provincial Government run hospitals sa probinsya.
Saklaw pa nito ang pagsasaayos sa mga pasilidad sa loob ng ospital tulad ng pagkakaroon ng 7-Bed Capacity ICUs, prosthetic rehabilitation partikular sa Lingayen District Hospital at marami pang iba.
Matatandaan na target ding matugunan ang suliranin sa mga Out Patient Department at Emergency Room ng ilang mga pampublikong hospital.
Samantala, iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan ang patuloy na inilulunsad pa sa mga bara-barangay sa bayan at lungsod sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨