𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗩𝗜𝗗𝗨𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Umaabot sa mahigit apat na raang libong piso na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang high value individual sa ikinasang buy bust operation sa Urdaneta City.

Ang suspek ay isang kwarenta y singko anyos na itinago sa pangalang Junjun.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas singko ng hapon na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng labing isang medium size plastic sachet na nagkakahalaga ng ₱408,000.00.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek na Isa din sa mga high value target ng mga awtoridad sa usapin ng illegal drugs sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments