Nagpapaalala ang Department of Health Region 1 ukol sa maagang pagpapakonsulta ng tao pagdating sa thyroid health upang agad itong maagapan.
Dapat umano na makakuha umano ng nasa 150 microgram (mcg) Iodine araw-araw ang isang adult individual para masabing sapat ang iodine sa katawan at makakatulong Thyroid health.
Ayon kay Ilocos Sur Medical Center Endocrinologist Dr. Jean Abigaile Caringal, sa oras na magkulang umano ang katawan ng tao sa iodine ay nagdudulot ito ng hyperthyroidism at goiter.
Dapat na makakain umano ng mga pagkain na may mapagkukunan ng iodine tulad ng lamang-dagat, itlog at gatas, fortified foods katulad ng iodized salt at multivitamins.
Samantala, mas mataas namana ng iodine requirements ng mga buntis kung saan nasa 220 microgram Iodine at 290 microgram naman para sa mga inang nagpapagatas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨