𝗛𝗨𝗡𝗗𝗥𝗘𝗗 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗞, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗭𝗢𝗡𝗘

Isinusulong ngayon sa kamara, ang pagtatakda sa Hundred Islands National Park, sa lungsod ng Alaminos bilang Tourism Zone.

Kamakailan, dumalo sa tanggapan ng Committee of Tourism ng mababang kapulungan ang kongresista ng primero distrito ng Pangasinan.

Ayon sa isinusulong na House Bill 10255, isinusulong ang nasabing tourist spot at mapasailalim sa lokal na pamahalaan ng Alaminos, sa pagmamanage, pag-ooperate, at pangangalaga.

Samantala, layunin ng naturang panukala, ayon sa kongresista, na mapasigla ang turismo at makapagbukas ng oportunidad para sa mga lokal na magkatrabaho, gayundin ay mapasigla ang mga negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments