𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Maagang pagtutok sa suplay ng pagkain sa susunod na tatlong taon ang isinasagawa ngayon ng Department of Agriculture (DA) para mapataas nito ang kita ng mga nasa hanay ng agrikultura gaya ng mga magsasaka, mangingisda, at mga maggu-gulay sa bansa.

Sa sunod-sunod na krisis na kinakaharap ngayon ng mga nasa hanay ng agrikultura tulad ng mga magsasaka dito sa lalawigan, makatutulong ang maagang pagtutok na ito ng ahensya para mapataas ang kita at mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, prayoridad umano ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang three-year agricultural plan.

Dagdag pa niya na kabilang sa prayoridad na ito ang karagdagang irigasyon, post-harvest, storage facilities, research development at iba pa.

Aniya pa, prayoridad rin ng naturang ahensya ang digitalization sa agri sector nang sa gayon ay mapabilis ang pagsasala ng teknolohiya sa pagsasaka at logistics. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments