𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗗𝗜𝗦𝗞𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗩𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Namatay ang tatlong magkakamag-anak matapos sumabog ang gulong ng kanilang van na sinasakyan sa bayan ng Rosales.

Ang mga namatay na mga biktima ay nakilalang sina Ronald Jebulan, Jabel Abano at Conchita Salvador, habang kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan pa ang iba pa nilang kasamahan.

Ayon sa imbestigasyon, galing ng Caloocan City and mga biktima at magtutungo lamang umano sa bayan ng Manaoag upang magsimba nang ang gulong ng sinasakyang van ng mga ito ay sumabog sa bahagi ng TPLEX sa Barangay Tomana West, Bayan ng Rosales pasado alas nuebe ng umaga.

Dahil sa pagsabog ng gulong nito sa likod, rumampa ito sa concrete barrier ng kalsada kung saan ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng Katawan ang mga sakay nito na agad naman naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival ang tatlo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments