Cauayan City – Nakatanggap ang 210 na katao ng ilang benepisyo tulad ng mga iba’t ibang kagamitan na gagamitin sa pagtatayo ng small farm reservoir kasabay nang pagsisimula ng cash-for-work sa ilalim ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI.
Naganap ang pagbibigay ng naturang mga kagamitan sa Burgos, Isabela.
Nakasentro ang naturang proyekto sa food security at pagpapatayo ng mga Small Farm Reservoirs (SFRs) na magsisilbing imbakan ng tubig.
Pinondohan ng United Nations Food Agriculture Organization (UN-FAO) ang naturang mga kagamitan katuwang ng ahensya sa implementasyon ng proyekto.
Ilan sa mga kagamitang ipinamahagi ay tulad ng pala, balde, sumbrero, long sleeve, construction gloves, paddy boots, raincoats, garden towel, at PVC Rubber boots.
Ang naturang programa ay bahagi ng ikalawang yugto ng implementasyon ng proyekto.
Ang Project LAWA at BINHI ay isang inisyatibo ng DSWD upang matugunan ang pangangailangan ng komunidad.