𝗣𝗛𝗢-𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗙𝗔, 𝗕𝗟𝗦 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗥𝗥𝗜, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nagsagawa ang Provincial Health Office (PHO)-Cagayan ng Basic Life Support (BLS) at Standard First Aid (SFA) training sa Mayor’s Office, Municipal Hall, Aparri, Cagayan nitong Abril 15-19, ngayong taon.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman at kasanayan ng 25 frontliners mula sa Municipal Health Office (MHO)-Aparri sa mga paraan ng pagbibigay tulong kapag kinakailangan.

Binigyaan-diin ni Dr. Rebecca Battung, Acting Provincial Health Officer ng PHO ang mahalagang papel ng bawat indibidwal sa pagsagip ng buhay sa mga kritikal na sitwasyon.


Ipinaalala rin ni Dr. Battung ang “basic protocol” sa mga ganitong pangyayari, pati na rin ang pagsasalamat sa lahat ng mga frontliners sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa kanilang komunidad.

Facebook Comments