𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦

Nararanasan ngayon ng ilang mga Dagupan jeepney driver ang pagsakay umano ng konting mga pasahero bunsod ng umiiral na traffic scheme sa lungsod.

Dahilan na may mga ruta at lokasyon na hindi maaaring daanan pansamantala ng mga ito dahil nagpapatuloy ang proyektong road elevation at drainage upgrade.

Matatandaan na nito lamang buwan ng Enero nang iimplementa ang bagong one way traffic scheme upang bigyang daan ang pagtatapos ng mga road projects lalo na at nagtakda na ang ahensyang DPWH ng target date sa napipintong pagtatapos nito.

Ayon sa ilang jeepney drivers, matumal daw sa ngayon ang mga pasahero at kung minsan ay nararanasan daw ng mga ito ang pabalik nang ikutan bagamat nasa hanggang lima lamang umano ang naisasakay nilang pasahero.

Aminado naman ang mga ito na mas maigi pa rin ang pumasada kahit konti ang pasahero kaysa wala lalo ngayon na hirap din daw ang mga ito sa nagmamahalang mga pangunahing bilihin.

Samantala, maaaring ma-lift ang umiiral na traffic scheme base sa magiging desisyon ng LGU Dagupan at concerned agency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments