𝗠𝗚𝗔 𝗨𝗡𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗨𝗩𝗦, 𝗜𝗧𝗨𝗧𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥𝗨𝗠 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗙𝗘𝗕 𝟭; 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗩𝗦, 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟭𝟬𝟬% 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗡𝗔

Ituturing nang kolorum at huhuliin na simula Feb 1 ang mga pampublikong sasakyan na hindi consolidated, ito ang mga walang nasamahang korporasyon at kooperatiba o nanatiling single entity hanggang matapos ang itinakdang consolidation deadline noong December 31, 2023.

Ayon kay Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III, una munang sisilbihan ang mga ito ng show cause order sa ngayon at pagsapit ng buwan ng Pebrero ay huhuliin na ang mga ito.

Sa lalawigan ng Pangasinan, halos isang daang porsyento na ang consolidated at patuloy umanong nagcocomply ang mga transport groups sa kautusang ibinababa ng LTFRB. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments