Puspusan ang isinasagawang aksyon ng Department of Health – Center for Health Development 1 kaugnay sa tumataas na kaso ng dengue sa Ilocos Region.
Alinsunod nito ang pagpapalawig pa ng pagsasagawa ng mga blood donation drive sa rehiyon upang matiyak ang sapat na suplay ng dugo na kakailanganin sa mga pagamutan.
Nakatakdang isasagawa sa mga bara-barangay sa mga bayan at lungsod sa buong rehiyon ang naturang aktibidad ayon sa ahensya.
Nauna nang inihayag ng DOH na isa ang Ilocos Region sa nakitaan ng pagtaas sa kaso ng dengue kung saan base sa pinakahuling report, nakapagtala na ng nasa isang libong kaso nito ngayong taon.
Samantala, sa kabila nito ay pagtitiyak ng ahensya na sapat ang suplay ng dugo sa rehiyon at patuloy umano itong nakaantabay sa sitwasyon ng naturang usapin sa buong Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨