Tuesday, November 17, 2026

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—–π—Ÿπ—˜π—”π—‘-𝗨𝗣 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—”π—¬π—˜π—‘, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—žπ—”π—£π—”π—šπ—§π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π—›π—œπ—šπ—œπ—§ π—œπ—¦π—”π—‘π—š 𝗗𝗔𝗔𝗑 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜ π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗧𝗔𝗒𝗑

Isinagawa sa bayan ng Lingayen ang simultaneous Barangay Clean-up Drive sa 33 barangay sa bayan, bilang pakikiisa sa Dengue Awareness Month ngayong buwan.

Pinangunahan ng Municipal Health Office ang naturang aktibidad na may layuning malinisan ang kapaligiran at mga lugar na posibleng pamugaran ng lamok.

Pagbabahagi pa ng tanggapan, sa pinakahuling datos ay nakapagtala ang bayan ng 137 kaso ng dengue mula Enero hanggang sa kasalukuyan, mas mataas kung ihahambing sa 246 kabuuang bilang ng kaso nito noong 2023. Sa bilang na nabanggit ay hindi pa naisama ang mga kasalukuyang nasa pagamutan.

Ayon sa kanilang obserbasyon, madalas ay kabataan ang tinatamaan ng dengue sa bayan.

Babala ng tanggapan ang posible pang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong panahon ng tag-ulan kaya hinihikayat ang publiko sa patuloy na paglilinis ng kapaligiran. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments