
Cauayan City – Natapos ang Company Integration Training Exercise (CITE) ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade na naglalayong palakasin ang kahandaan ng reserve forces bilang mahalagang bahagi ng total force concept ng militar ng Pilipinas na isinagawa sa Camp Vizcarra Barangay Aguinaldo, Ramon, Isabela.
Sa nasabing training exercise, lumahok ang mga miyembro ng regular at reserve forces sa iba’t ibang kombinasyon ng operasyon sa ilalim ng makatotohanang kondisyon upang higit pang mapahusay ang kanilang kakayahan sa aktwal na sitwasyon.
Nagsilbing mga mentor at tagapagsanay ang regular forces habang ipinakita naman ng Ready Reserve Infantry Battalions ng Region 2 ang kanilang kahandaan at disiplina sa pagsailalim sa masinsinang pagsasanay.
Ayon sa pamunuan, patunay ang matagumpay na Company Integration Training Exercise sa patuloy na pagpapalakas ng ugnayan at kahandaan ng regular at reserve forces para sa seguridad at kapayapaan ng bansa.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










