
Cauayan City – Tatlong indibidwal ang nasawi kasama na ang suspek matapos itong magpaputok ng baril sa loob ng isang high school boys hockey game nitong Lunes ika-16 ng Pebrero 2026 sa Pawtucket, Rhode Island.
Nangyari ang insidente sa Dennis Lynch Arena kung saan tatlo pang indibidwal ang kaagad na dinala sa ospital at nasa kritikal na kondisyon matapos ang naturang insidente.
Ayon kay Pawtucket Police Chief Tina Goncalves kinilala ang lalaking suspek na si Robert Dorgan, na nasawi makalipas ang ilang sandali.
Sa tulong ng isang concern citizen, napasuko nila ang suspek ngunit nasawi rin ito matapos nitong barilin ang kanyang sarili.
Batay na inilabas na ulat, hindi na pinangalanan pa ng mga awtoridad ang mga nasawing biktima.
Ayon sa awtoridad, dumalo ang suspek upang manood ng laro.
Napag-alaman ring posibleng family dispute o away sa pamilya ang naging ugat ng pamamaril ng suspek.
Sa ngayon ay patuloy pa rin isinasagawa ang imbestigasyon ng mga pulisya hinggil sa totoong nangyari.
Patuloy namang kumakalap ng impormasyon ang imbestigador na may hawak ng kaso sa mga eyewitness na nakakita ng naturang pamamaril.
Dagdag pa rito, patuloy namang nirereview ng mga kapulisan ang kumakalat na video sa social media hinggil sa unverified footage kung saan nagtakbuhan ang mga manlalaro matapos magpaputok ng suspek.
Nag-abot naman ng pakikiramay si Rhode Island Governor Dan McKee sa mga pamilya ng nasawi.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










