𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗟𝗠𝗘𝗧, 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗗 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Mahigpit na babantayan ng pamunuan ng Public Order and Safety Division ang pagsusuot ng helmet partikular na sa mga motoristang naghahatid at pumapasok sa mga paaralan sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay POSD Chief Pilarito Mallillin, ikinatutuwa nito ang mga magulang ng mga estudyante mula sa Cauayan North Central School dahil sumusunod ang mga ito sa batas.

Aniya, hindi lamang sarili nila ang binibigyang proteksyon dahil maging ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga ito ng Safety gears katulad ng helmet.


Sinabi ni Chief Malillin na iaakyat nito sa Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan ang usaping ito, upang mapag-usapan ang mga ordinansa na pwedeng ipatupad upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanteng pumapasok lulan ang motorsiklo.

Facebook Comments