𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Nagbigay ng paalala ang Pangasinan PDRRMO ukol sa pagtitipid ng tubig ngayong tag-init upang maiwasan ang kabawasan o hindi naman pagkawala ng tubig.

Sa inilabas na post ng Pangasinan PDRRMO, pinapayuhan nito ang publiko na kung maaari ay i-recycle ang pinagbanlawan at maaari pa itong magamit sa iba tulad ng paglilinis at pagbubuhos sa toilet bowl.

Mainam rin kung maglalagay umano ng low-flow na inidoro dahil gumagamit lang ito ng nasa dalawang galon ng tubig kada flash kaysa sa tradisyunal na inidoro.

Dapat din na huwag hahayaang bukas ang gripo habang naghuhugas ng pinagkainan at maging limitahan ang pag-shower ng matagal.

Huwag rin umanong hahayaang umapaw ang tubig sa mga timbang isinasalin at mas mainam rin kung huwag kalilimutang patayin ang gripo kapag nagsisipilyo at gumamit na lamang ng baso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments