𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isinagawa ang Libreng Paligo sa barangay sa Dagupan City kung saan libreng paliguan ang mga bata mula sa isang barangay.

Pinaliguan ang mga batang mag-aaral mula sa Barangay Lucao ng mga opisyal mula sa lokal na gobyerno maging ang ilang city department heads, barangay council, barangay health worker, at work immersion student-trainees at volunteers.

Nagpakain rn ng libreng sopas at pandesal sa mga batang nakibahagi sa naturang aktibidad.

Bukod sa libreng paligo ay nagpamahagi rin ang lokal na gobyerno ng vitamin A supplementation at oral polio vaccines.

Samantala, binigyan din ang mga buntis na kababaihan ng libreng prenatal check -ups, vaccinations, breastfeeding at healthy diet. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments