𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗕𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Patuloy pa ring ang pagpapaigting ng Department of Agriculture sa kanilang mga pamamaraan para maibsan ang epekto ng el niño sa ilang bahagi ng bansa tulad na lamang sa ilang bahagi ng Ilocos Region.

Paglulunsad ng Regional Disaster Risk & Reduction Management Office para sa pagpapaigting pa ng monitoring at reports ukol sa mga apektado ng El nino ang isa sa hakbang ngayon ng DA Ilocos Region.

Ang hakbang na ito ay para sa patuloy na pagbibagay pansin pa sa mga maaaring maidulot pa ng nararanasang dry spell sa ilang bahagi ng rehiyon.

Ang DA-RFO I’s Field Operations Service naman sa rehiyon, binibigyan pansin rin ang mga hinaing ng mga apektadong magsasaka bilang nag-umpisa na rin ang balidasyon sa mga natanggap na reports para maisaayos at mailagay sa tamang posisyon ang iba;t ibang interbensyon sa pagbuo ng mga irrigation facilities at equipment gaya na lamang ng pump at engine sets at iba pang pangangailangan ng mga magsasaka sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments