Ikinagagalak ng pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa inilabas ng kalatas ng Philippine Statistics Authority na pangalawa ang lalawigan sa pinaka binibisita ng mga local o domestic tourist.
Sa naging pahayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, sinabi nito na ipinapakita lamang nito ang potential ng lalawigan sa usapin ng turismo sa lalawigan bagamat aminado ito na kulang pa sa structures ang lalawigan.
Ang abangan dito, aniya, ay kung makumpleto na ang mga proyekto sa pamumuno ni Governor Monmon Guico III lalawigan lalo sa usapin ng turismo lalong-lalo na kung mapapabilis ang transportasyon at mobility ng mga tao.
Malaking bagay ito sa kita ng mga Lokal na pamahalaan maging mga lokal na negosyante sa lalawigan ayon sa bise gobernador.
Ilan sa mga lugar na kapansin pansin na madalas puntahan ng mga domestic tourist ay ang pamosong minor Basilica sa bayan ng Manaoag at mga Beaches sa iba’t ibang panig ng lalawigan.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority, nangunguna sa mga pinaka binibisita sa Pilipinas ng mga local o domestic tourist ay ang National Capital Region, sinusundan ng Pangasinan, Cebu, Benguet at Laguna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨