Inihatid na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang relief supplies para sa mga residente ng Calasiao na apektado ng pagbaha.
Matatandaan na isinailalim ang bayan sa State of Calamity matapos mabaha ang 13 barangay.
Nasa Dalawang libong Family Food Packs ang nauna nang inihatid sa mga residente.
Matatandaan na na tinanggap na rin ng lokal na pamahalaan ng Balungao ang nasa 2, 398 FFPs habang 2, 570 naman sa lokal na pamahalaan ng Umingan upang maipamahagi sa mga lubos naapektuhan ng epekto ng nagdaang bagyo.
Samantala, sa datos ng DSWD FO1, nasa higit 30k na mga pamilya ang bilang ng naapektuhan sa lalawigan ng Pangasinan. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments