Friday, June 5, 2026

𝟭𝟯-𝗔𝗑𝗬𝗒𝗦 𝗑𝗔 π—•π—œπ—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘π—š π—‘π—”π—£π—”π—¨π—Ÿπ—”π—§ 𝗑𝗔 𝗑𝗔π—ͺ𝗔π—ͺπ—”π—Ÿπ—”, π—•π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—¬ 𝗑𝗔 π—‘π—š π— π—”π—§π—”π—šπ—£π—¨π—”π—‘

β€Ž
β€ŽCauayan City – Palutang-lutang at wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang 13-anyos na binatilyo noong ika-5 ng Pebrero sa irrigation canal sa Brgy. San Jose Norte, Mallig, Isabela matapos itong mapaulat na nawawala.
β€Ž
β€ŽSa panayam ng IFM News Team kay Police Major Rufo Figarola Jr., hepe ng Mallig Police Station, sinabi nito na bago pa man makita ang wala ng buhay na biktima ay napaulat na itong nawawala noon pang ika-3 ng Pebrero.
β€Ž
β€ŽAniya, matapos matanggap ang report hinggil a pagkakadiskubre sa katawan ng binatilyo, kaagad silang nagtungo sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.
β€Ž
β€ŽSinabi ni PMAJ Figarola na nadatnan na rin nila sa lugar ang ama ng binatilyo na siya rin mismong nagkumpirma na ang bangkay na kanilang natagpuan ay ang anak niyang nawawala.
β€Ž
β€ŽDagdag pa ng hepe, sumailalim din sa autopsy examination ang katawan ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkasawi.
β€Ž
β€ŽSa pinakahuling ulat, nailibing na ang labi ng binatilyo subalit hinihintay pa rin ang resulta ng isinagawang autopsy report.
β€Ž—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments