𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗦𝗞𝗜𝗟𝗟𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔𝗡𝗜𝗡

Dahil sa ipinamalas na galing sa Beauty Therapy at Hairdressing wagi ang pambato ng Region 1 sa katatapos lamang na Philippine National Skills Competition na ginanap sa World Trade Center.

Si Aliyah Chiecel Fernandez nagpakitang gilas sa kategoryang Beauty Therapy skills at si Davidson De Vera sa Hairdressing skills ay wagi ng gintong medalya.

Hinubog ang dalawa ng Maxima Technical Skills and Training Institute Inc. na naging ka partner rin ng IFM Dagupan sa corporate social responsibility nito sa katatapos na Mission 2024.

Dahil dito, sila ang magiging pambato ng Pilipinas sa susunod na taon sa ASEAN Skills Competition.

Puspusan na rin ang ensayo ng dalawa bilang paghahanda sa naturang kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments