𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Pinaigting ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pangangalaga sa kalikasan bilang parte ng isinusulong na iba’t ibang programa tungkol sa kalikasan ng nasyonal na gobyerno.

Bilang pakikiisa sa naturang adhikain, isa ang probinsya ng Pangasinan sa mga nagsasagawa ng food-for-work program sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment o DOLE na para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged (TUPAD) Workers.

Ayon sa kinauukulan, ang mga TUPAD workers ay lalahok sa sampung-araw na programa, kung saan isasagawa ang coastal preparation, seedling preparation, mangrove planting maging ng paglilinis sa mga coastal areas, barangay, at iba pang lugar.

Ayon pa sa DOLE, ang mga lalahok ay tatanggap ng sahod nagkakahalaga ng PHP 435 para sa sampung araw na paglahok.

Layunin ng naturang programang makatulong sa mga nangangailangan kasabay ng pagprotekta at pagpreserba ng kalikasan sa lalawigan.

Sa ilalim naman ng nagpapatuloy na Green Canopy Program ng probinsya, 29,943 puno na ngayong taon ang kanilang naitatanim. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments