𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗟𝗢𝗡-𝗚𝗜𝗟𝗢𝗡 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Naghahanda na ang mga kalahok sa isinasagawang Gilon-Gilon Dance Competition bukas dahil sa posibleng mainit na panahon na kanilang mararanasan.

Ang ilang street dancers na kasama, inilagay na ang iba sa kanilang mga props at mga back graph na gagamitin para sa kanilang performance habang ang iba, kinokondisyon na ang mga pangangatawan.

Sinisigurado naman na hindi magkukulang ang lokal na pamahalaan sa emergency at medical response team sa araw ng pagsasagawa ng Gilon Gilon nang sa gayon ay agarang marespondehan ang mga street dancers na makararanas ng ano pang sakit o may kinalaman sa heat-related illnesses.

Inaasahan naman ang pagdagsa ng mga manunuod lalo sa bahagi ng Downtown para sa naturang kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments