𝗣𝗔𝗡𝗚𝗛𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗧 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗔-𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗢

Mas pinaiigting pa ng Pangasinan Provincial Health Office ang kanilang panghihikayat sa mga pet owners na ipa-vaccine ang kanilang mga alagang hayop.

Ang pagpapa-vaccine kasi sa mga alagang hayop tulad ng aso at pusa ay makakatulong para maiwasan ang tumataas pa ring kaso ng rabies na naitatala ngayon taon.

Nasa tatlong kaso na ng pagkamatay dahil sa rabies ang nai-report ngayong 2024 kung ikukumpara sa nakaraang taon sa parehong panahon nakapagtala lamang ng isang kaso ng pagkamatay dahil sa rabies.

Ayon kay Provincial Health Officer I Dr. Cielo Almoite, dapat na mabigyan ng importansya ang pagkakaroon ng tulungan sa pagitan ng mga pet owners at ng mga local government unit para makontrol ang pagkalat ng rabies.

Samantala, isa sa mga aksyon na isinasagawa para maibsan ang kaso ng rabies ay pagsasagawa ng naturang tanggapan ng mga libreng veterinary medical mission na siyang dumadayo sa ibat ibang barangay sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments