𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗛𝗘𝗗 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 ‘𝗚𝗢𝗢𝗗𝗕𝗬𝗘 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔’ 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nakibahagi at nakiisa rin ang mga shed owners sa bahagi ng Tondaligan beach sa pagsulong ng ‘Goodbye Basura’ sa lungsod ng Dagupan.

Tumulong ang mga shed owners sa pagsesegregate rin ng basura sa bundok ng basura sa dumpsite kasama ang City Engineering Office at Waste Management Division.

Ito ay parte pa rin ng patuloy na panghihikayat ng lokal na gobyerno sa mga Dagupeño na tumutulong na mabawasan ang bundok ng mga basurang nakatambak sa naturang dumpsite.

Dapat Din umano na ang bawat indibidwal ay sumunod sa proper waste segregation kung saan magsisimula sa mga kabahayan.

Samantala, layon ng patuloy na pagsulong na ito na maipasara na ng tuluyan ang dumpsite na siyang animnapung taon ng problema ng lungsod pagdating sa basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments