Umaabot sa pitong gramo ng shabu, baril, at mga bala ang nakumpiska sa maglive-in partner sa kinasang buy bust operation sa Dagupan City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Felip Munoz at Arelle Cristina Magsano parehong residente ng Lungsod.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas kwatro, kahapon, na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng Apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng pitong gramo at nagkakahalaga ng mahigit ₱46,000.
Kasama rin sa nakumpiska sa mga ito ang isang caliber 22 revolver at ilang mga bala at illegal drugs paraphernalia.
Inihahanda na ngayon ang patong-patong na kasong isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments