CAUAYAN CITY – Umaasa ang mga US residents na makakabawas si Newly Elected US President Donald Trump sa mataas na presyo ng mga bilihin sa kanilang lugar.
Nais ni Trump na magpataw ng mataas na buwis sa mga produktong inaangkat, lalo na mula sa China, at bawasan ang mga ilegal na manggagawa upang umanoβy matulungan ang lokal na agrikultura.
Gayunpaman, ayon sa mga eksperto, maaaring magresulta ito sa pagtaas pa ng presyo dahil tataas din ang gastos sa mga imported materials tulad ng pataba at mga makinarya na kakailanganin ng mga magsasaka.
Kung magpapatupad ng buwis sa import, maaari ring gumanti ang ibang bansa sa pagdagdag ng buwis sa mga US products, na makaaapekto sa mga exporter.
Ayon sa mga ekonomista, limitado ang kapangyarihan ng isang pangulo na pababain ang presyo ng mga bilihin sa maikling panahon, at ang mga pagbabawas sa presyo ay kadalasang nangyayari lamang sa panahon ng matinding resesyon.