𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗨𝗦𝗣𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗜𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞

Dahil sa naganap na pagsabog ng isang bahay na may nakaimbak na mga paputok sa bahagi ng Barangay Malued, Dagupan City, mas hinigpitan na ng pulisya ang monitoring at pagbisita sa mga barangay nito.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay P.Lt.Col. Brendon Palisoc, hepe ng Dagupan City PS na layunin ng kanilang puspusang monitoring at pagbisita sa mga barangay ng lungsod ay upang halughugin ang mga ito kung may mga nakaimbak pa bang mga paputok sa bawat bahay at maging sa mga nagbebenta ng paputok sa hindi awtorisadong designated display area o selling area.

Aniya pa, personal nilang binibisita ang mga barangay na napaulat noon na gumagawa ng mga paputok gaya na lamang ng mga barangay ng Bacayao Sur at Norte, Caranglaan, Pogo Chico, Lasip Chico, Pogo Grande at iba pa kung saan aniya, wala umano silang nahagilap nakitang gumagawa ng paputok at ayon sa kanya na walang pinayagan ang LGU na gumawa ng mga ito.

Dagdag pa nito, nagsasagawa rin sila ng monitoring sa mga establisyemento sa lungsod sa na baka raw umano may nagbebenta ng paputok at isinawalat nito na may nakita silang isang establisyemento na nagbebenta at agad nila itong inisyuhan ng reklamo.

Samantala, patuloy din ang kanilang monitoring sa mga nagbebenta ng paputok sa may bahagi ng Barangay Poblacion Oeste sa harapan ng NBI dahil heto, aniya, ang designated area ng pagbebentahan ng paputok at kanilang sinisiguro ang lahat ng permit sa mga nagbebenta sa kanilang legal na pagbebenta paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments