𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗡𝗣, 𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

All systems go ang hanay ng PNP Pangasinan sa magaganap na pagsalubong sa bagong Taon.

Sa naging panayam ng IFM Dagi[am Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, naka antabay na ang lahat ng mga kapulisan sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Kasama aniya nila ang mga volunteers sa pagtataguyod na maging mapayapa ang pagsalubong ng bagong taon.

Kasabay nito ay nagbabala Naman ito sa mga may planong magpaputok ng baril o indiscriminate firing na mananagot sa batas ang sinumang nahuhuli.

Samantala, kaliwa’t kanan din, aniya ang kanilang ginagawang pag-iikot lalo na sa mga itinalagang firecracker zones upang matutukan ang mga nagbebenta ng paputok na hindi makapagbenta ng mga ipinagbabawal na paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments