Tuesday, February 10, 2026

𝗣𝗡𝗣 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨, 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗟𝗙𝗜𝗡 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗡𝗢

Cauayan City – Ipinamalas ang matibay na ugnayan ng Philippine National Police (PNP) at ng lokal na pamahalaan matapos isagawa ang Command Visit ng Isabela Police Provincial Office sa Delfin Albano Municipal Police Station.

Pinangunahan ni PCOL Manuel B. Bringas, Provincial Director, ang naturang pagbisita kasama ang kanyang Provincial Staff bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba upang higit pang mapalakas ang kalidad ng serbisyo publiko at seguridad sa komunidad.

Sa isinagawang courtesy visit kay Delfin Albano Mayor Hon. Thomas A. Pua Jr., binigyang-diin ng Punong Bayan ang mahalagang papel ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, lalo na sa antas ng barangay.

Ayon sa alkalde, patuloy ang suporta ng pamahalaang bayan sa mga programa ng PNP para sa kapakanan ng mamamayan.

Samantala, nagpasalamat si PCOL Bringas sa aktibong pakikiisa ng LGU at binigyang-diin ang kahalagahan ng serbisyong nakatuon sa komunidad, alinsunod sa direktiba ng Chief PNP at sa bisyon ng Bagong Pilipinas.

Sa huling bahagi ng pagbisita, personal na nakipagpulong ang Provincial Director at kanyang mga staff sa mga tauhan ng Delfin Albano Police Station upang alamin ang kanilang kalagayan at pakinggan ang kanilang mga suhestiyon para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo at panloob na pamamahala ng organisasyon.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments