Nagpaalalang muli ang Pangasinan Police Provincial Office sa publiko na siguruhing ligtas ang mga kabahayan bago magtungo sa mga pasyalan ngayong panahon na naman ng kapaskuhan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PNP Director PCol. Jeff Fanged kanyang hinimok ang publiko na siguruhing sarado ng maayos ang kabahayan bago mamasyal dahil sa panahon ngayon nagkalat aniya ang mga nanloloob ng bahay o nag-aakyat bahay upang makapagnakaw ng mga kagamitan.
Idinagdag pa nito na huwag na ring ibahagi sa social media ang mga pupuntahan dahil maaaring makapag-bigay ito ng tip sa mga magnanakaw na maaari nilang salakayin.
Ayon pa sa kanya na as of December 4, 2023, mayroon nang tatlo ang naitala ang pulisya na may kaugnayan sa pagnanakaw ngayong kapaskuhan.
Ipinaalala naman ng opisyal sa mga gagawa ng masasama na sana raw ay huwag nang haluan ng masasamang gawain ang panahon ng kapaskuhan na panahon ng kapanganakan ni HesuKristo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments