𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗧𝗦 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗢𝗜𝗦𝗢𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗖𝗥𝗔𝗖𝗞𝗘𝗥-𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Pinapaalalahan ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang publiko partikular sa mga Pangasinense ukol sa inaasahang pagtaas ng kaso ng food poisoning at firecracker-related injuries ngayong panahon ng Holiday Season.
Ayon kay PHO health education promotion officer Rhodalia Binay-an na ang mga pinsalang may kinalaman sa paputok mula Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 6, 2023 ay tumaas ng 87 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong mga nakaraang taon.
Aniya, karamihan sa mga biktima ay nasa edad lima hanggang 14, kung saan tatlo sa kanila ang naputulan ng parte ng kanilang katawan.

Ayon pa sa kaniya na ang mga paputok ay maaari ding magdulot o pagmulan ng food poisoning, kung kaya’t ipinaalala nito sa publiko ang wasto at masusing paghuhugas ng kamay maging sa pagchecheck kung malinis ba ang pagkaing kakainin.
Matatandaan din na inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Cielo Almoite na ang food poisoning at acute gastritis gayundin ang diarrhea ay kabilang sa health concerns sa panahon ng kapaskuhan, kaya kailangan ng tamang paghahanda ng pagkain upang maiwasan ang naturang mga sakit.
Ipinaalala sa publiko partikular sa mga Pangasinense na panatilihin ang tamang diyeta at ipagpatuloy ang maintenance na gamot para sa mga may comorbidities o may dinaramdam na sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments