𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔

Tiniyak ng Sta. Barbara Police Station ang mas pinag-igting na police presence at visibility sa bisinidad ng bayan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Sta. Barbara Police Station Chief of Police, PLtCol. Michael Datuin, asahan ang pag-antabay ng hanay ng kapulisan sa iba’t-ibang bahagi ng bayan lalo na sa urgence of convergence o mga matataong lugar.

Layon nitong maiwasan ang mga nagaganap na krimen at mapanatili ang kaayusan sa bayan.

Alinsunod din ito sa ibinabang direktiba ng bagong talagang PANGPPO Provincial Director na si PCol. Rollyfer Capoquian na palawigin ang bisibilidad ng mga kapulisan sa bawat napag-atasang area of responsibility.

Samantala, kaliwa’t-kanan din sa kasalukuyan ang isinagawang checkpoints sa mga kakalsadahan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments