Pinaghahandaan na ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga posibleng epekto o magiging banta ng La Niña sa lalawigan.
Sa ginanap na 2nd Quarter PDRRM Council Meeting 2024 kung saan dinaluhan ng PDRRM Council sa pangunguna ni PDRRMC Chairman Gov. Ramon Guico III, tinalakay ng mga ito ang mga aksyon na dapat na maisagawa sa posibleng epekto na maidudulot ng La Niña.
Binigyang katiyakan sa naturang pagpupulong ang kasiguraduhan sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Pangasinense sa panahon ng La Niña.
Sa kabilang banda, pinag-usapan rin sa naturang pagpupulong ang mga naging epekto rin ng El Niño nitong mga nakaraang buwan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments