𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Nasa daang libo na mga lokal na turista ang naitalang bumisita sa mga tourist spots sa bayan ng Bolinao sa mga naganap na holiday nitong unang apat na buwan ng 2024.

Sa tala ng Bolinao Tourism Office, mula January hanggang April 2024, nasa kabuuang 231, 755 day tourists at kabuuang 101,933 overnight tourists naman ang kanilang naitalang bumisita habang nasa 9,703 ang mga foreign visitors.

Base sa comparative graph ng Bolinao Tourism Office, mas mataas ang naging tourist arrival mula January hanggang April 2024 kung ikukumpara umano sa nakaraang taon.

Samantala, nakikitaan umano ng potensyal sa sektor ng turismo ang naturang bayan dahil sa naitalang bilang ng mga bumibisita sa mga pook pasyalan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments