Posibleng magkaroon ng paggalaw sa presyuhan ng bangus ngayong darating na Semana Santa.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P130 hanggang P160 pesos ang kada kilo ng Bangus partikular na sa pangunahing pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ayon din sa mga bangus growers, marami raw sa ngayon ang naghaharvest ng bangus kaya nararanasan ang mababang presyo nito.
Sa kabilang banda, posible ring tumaas umano ito sa pagsapit ng Mahal na Araw dahilan ang pagtaas nito sa demand bilang pakikiisa ng publiko lalo na ang mga Katoliko sa paniniwalang hindi pagkain pansamantala ng karne.
Ayon naman sa ilan pang bangus growers, maaaring manatili sa mababang presyo ang kada kilo nito kung patuloy ang bangus harvest. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments