𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗜𝗟𝗔𝗛𝗢𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasa anim na grupo mula sa iba’t-ibang pamantasan sa Western Pangasinan ang nakilahok sa Light Parade and Street Dancing Competition na naganap sa central business district ng lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hundred Island Festival 2024.

Sa mga makukulay na costume, ayon sa Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos, ipinamalas ng mga mag-aaral ang mayamang kultura, pagkain at tradisyon maging ang creativity, diversity, at ang masaganang ani sa mga lokal mula sa Western Pangasinan, na mismong layunin ng naturang kompetisyon.

Hinirang na Champion ang Alaminos City National High School. Ang mga nagwagi sa kompetisyon ay nakatanggap ng katumbas na pinansyal na premyo depende sa kaukulang pwesto.

Ilan sa mga naging pamantayan ang Best in Choreography at ang Light Effect Category na basehan lalo at gabi ginanap ang Light Parade and Street Dance Competition. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments