𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bumaba ngayon ang presyuhan sa produktong Bangus sa mga pamilihan partikular sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan.

Ang dating ₱180 sa kada kilo, nabawasan ng bente pesos at binibenta na ito ng nasa ₱150 hanggang ₱160 per kilo.

Bunsod ang pagbaba ng presyo sa dami ng suplay nito kung saan karamihan sa mga Bangus Growers ay nagharvest na mula sa kanilang mga binubuhay ng palaisdaan.

Bagamat mababa na sa presyo, ilang mga fish vendors pa rin ang nakararanas ng tumal sa bentahan nito.

Samantala, sa kabila ng banta ng El Niño Phenomenon ay nananatiling matatag ang produksyon ng Bangus Dagupan – na siya pinaka produkto ng siyudad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments