Friday, April 3, 2026

𝗕𝗥𝗢 𝗙𝗢𝗥 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

‎Cauayan City – Muling binuksan para sa mga bagong scholars ang aplikasyon ng BRO-Ed para sa First Semester ng Academic Year 2025–2026.
Ayon sa pamunuan ng BRO-Ed, ang pagbubukas ng aplikasyon ay nagbibigay ng panibagong oportunidad sa mga kabataang Isabeleño na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga akademikong layunin sa darating na semestre.
‎Dahil dito, Hinihikayat nila ang mga estudyante ng Isabela na ihanda ang kanilang mga requirements at subaybayan ang mga opisyal na anunsyo upang hindi mahuli sa iskedyul ng aplikasyon.
‎Samantala, nilinaw din ng BRO-Ed na ang mga kasalukuyang iskolar na nakapagsumite na ng kanilang renewal sa BRO-Ed Portal ay hindi na kinakailangang magsumite pa muli ng mga requirements para sa susunod na semestre.
Nagsimula ang submission of requirements nitong ika-8 ng Enero at magtatapos sa ika-15 ng Enero 2026.
Source: BRO FOR EDUCATION/FB
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments