Friday, March 6, 2026

𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Nagkaroon nga ng pagbabago sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa pamilihan sa lungsod ng Cauayan partikular na ang ilan sa mga gulay kung ikukumpara sa presyo ng mga ito noong nakaraang linggo.

Sa presyo ng mga gulay, mula sa dating 120 pesos kada kilo noong mga nakaraang linggo ay bumaba ngayon ng P60/kilo ang talong. Ang sitaw at ampalaya ay 80 pesos per kilo, Okra na nananatiling P120 per kilo, repolyo na P60/kilo, patatas na P120 pero kilo, at sayote na P60 per kilo.

Ang kamatis ay bagsak presyo na kung saan nasa P5-P15 na lang per kilo, habang ang mga pangrekado ay walang pagbabago sa presyo katulad ng Bawang 160, sibuyas at luya na parehong ay nasa P140 kada kilo.

Ayon sa ilang mga tindera sa palengke, mas ikinatuwa umano ng mga mamimili ang muling pagbaba sa presyo ng mga ito.

Samantala ang isda ay walang paggalaw sa presyo kung saan nasa ₱240 ang bangus, ₱160 ang kilo salmon head, ₱300 naman ang galunggong na bilog habang ang Japa ay P170/kilo, ₱150 ang tilapia, Hito na P160, Tahong na P100 kada kilo, Pusit na P240/kilo, at Hipon na P550 per kilo.

Samantala, nasa P400 ang kilo sa laman ng baka, habang ang pang papaitan ay P380/kilo, ang baboy ay P280/ kilo, habang P200 ang presyo ng kada kilo ng whole chicken.

Ayon sa ilang tindera ng karne ng baboy, bahagyang naapektuhan ang kanilang benta dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Semana Santa kung saan marami ngayon ang umiiwas sa pagkain ng karne ng baboy.

Daing pa rin nila ang tumal sa benta kaya naman may mga pagkakataon umano na ibinababa pa nila lalo ang presyo sa kada kilo ng karne ng baboy.

Sa itlog naman, nasa 240-300 pesos pa rin ang isang tray depende sa size.

Paalala naman mga IDOL na mamimili ngayong araw, inaasahan natin ang maaliwalas na panahon ngunit mayroon pa ring mga tiyansa ng pag-ulan kaya naman magdala ng payong o sumbrero bilang panangga.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments