Walang nararanasang paggalaw hanggang sa kasalukuyan sa presyuhan ng mga produktong karne partikular sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Naglalaro ang kada kilo ng baboy sa P340 hanggang P360 depende sa parting bibilhin habang ang manok, nasa P180 pa rin ang per kilo. Nasa P370 hanggang P380 naman sa kada kilo ng baka.
Nauna nang tiniyak ng Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG nito lamang Marso na nananatiling matatag ang suplay ng baboy sa Region 1, ito ay sa kabila pa ng banta ng ASF.
Nakaantabay naman ang iba’t-ibang Agriculture at Veterinary Offices ng mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan upang mamonitor ang kalagayan ng mga piggery farms sa kanilang nasasakupan.
Ayon naman sa ilang meat vendors sa lungsod, hindi pinayagang makapasok sa mga pamilihan ang mga karneng hindi dumaan sa tamang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨