𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝟰𝟲°C

Pumalo sa 46°C ang naitalang pinakamataas na heat index sa ilang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa mga Personal Weather Station ng ilang mga bayan sa probinsya, kaninang alas dos ng hapon, naitala ang 45°C sa San Fabian habang nasa 46°C naman sa Asingan at Binalonan.

Base naman sa monitoring sa heat index ng PAGASA ngayong araw, nasa 44°C ang nararamdamang init sa Dagupan City.

Nananatili sa danger category ang naitatalang heat index sa Dagupan at sa darating buwan ng Mayo, inaasahan na mas tataas pa ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments