𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Walang paggalaw sa presyo ng karne ng manok at baboy sa ilang pampublikong pamilihan sa bayan ng Rosales.

Naglalaro sa P180 hanggang P190 ang kada kilo ng manok habang nasa P300 naman ang kada kilo ng baboy.

Ayon sa ilang meat vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan, inaasahang tataas na ang presyo ng mga ito sa mga susunod na araw kasunod ng pagtaas ng demand sa merkado.

Samantala, sa lungsod ng Dagupan, tumaas ng sampu hanggang bente pesos ang bentahan sa kada kilo ng karne. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments